Miss U winners saan na sila ngayon?

bandera-5

CURIOUS ba kayo kung nasaan na nga-yon ang ilan sa mga Miss Universe titleholders na kahit paano’y kinagiliwan at minahal din ng mga Pinoy? Narito ang ilan sa kanila na kahit nagkaedad na ay hindi pa rin kumukupas ang gandang kinilala sa buong universe.

LUPITA JONES (Mexico, Miss Universe 1991)

Hindi na lumayo pa si Lupita sa mundo ng beauty pageant dahil matapos maiwui ang korona at titulo noong 1991, pinasok niya ang pagiging pageant director at nakapag-produce na rin ng ilang winners para sa Mexico sa iba’t ibang pageant competitions. Noong 2010, 19 years after she won the crown, muling itinanghal na Miss Universe si Miss Mexico Ximena Navareete. She’s now the director of Nuestra Belleza Mexico, ang franchise ng Miss Universe sa Mexico.

DAYANARA TORRES (Puerto Rico, Miss Universe 1993)

Isa si Dayanara sa mga minahal at inidolo ng mga Pinoy nang magtungo siya sa Pilipinas noong 1994 nang ilipat niya ang korona sa susunod na Miss Universe. Gumawa siya ng pelikula noon sa bansa kung saan naging leading man pa niya sina Aga Muhlach at Cesar Montano. Bumalik siya sa Puerto Rico at doon ipinagpatuloy ang kanyang career bilang singer, actress, model at writer. Muling bumalik sa Pilipinas si Dayanara para saksihan ang 2016 Miss Universe grand coronation.

SUSHMITA SEN (India, Miss Universe 1994)

Ibinalita ng award-winning Indian actress na isa siya sa magiging judge sa gaganaping Miss Universe sa bansa. Happy naman ang kanyang personal life kahit isa siyang single mother sa dalawa niyang anak na babae (adopted).

Marami na rin nagawang Bollywood movies si Sushmita kung saan kinilala ang galing niya bilang aktres. Marami ring bumilib sa kanya dahil sa matatapang na desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay, kabilang na ang pag-aampon.

CHELSI SMITH (USA, Miss Universe 1995)

Naging aktres, singer at product endorser din si Chelsi matapos manalo sa Miss Universe. In 2011, she was presented the Influential Multiracial Public Figure award. Last year, naging guest judge siya sa final Miss Peru 2016, celebrated in the Ecological Center and Studios of America Television Production, Pachacamac, Lima, Peru.

JENNIFER HAWKINS (Australia, Miss Universe 2004)

Aside from being a beauty queen, naging sikat ding model, brand ambassador, entrepreneur at television presenter si Jennifer. Siya rin ang host ngayon ng Australia’s Next Top Model.

ZULEYKA RIVERA (Puerto Rico, Miss Universe 2006)

Matapos maiuwi ang Miss Universe crown noong 2006, nakilala si Zuleyka hindi lang sa Puerto Rico kundi maging sa United States at iba pang American continent. Nagbida sa mga soap operas para sa Spanish leading channels Telemundo and Univision.

Bukod sa acting career, naging host din siya ng sarili niyang show titled “La Revista de Zuleyka” (Zuleyka’s magazine) at nagkaroon ng sariling swimsuit brand. She is also an ambassador of multiple charities and foundations.

STEFANIA FERNANDEZ (Venezuela, Miss Universe 2009)

Nakakuha ng Guinness record si Stefania dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe winner na kinoronahan ng isang compatriot. Pinasok din niya ang pagiging TV host at model. Aktibo rin siya sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa Aids Awareness Tour.

OLIVIA CULPO (USA, Miss Universe 2012)

Abala ngayon si Olivia sa iba’t ibang charity works around the world. Isa pa rin siyang aktres, model at television presenter.

Read more...