Kris may kasamang ‘mystery guy’ nang magbakasyon sa Rome

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Queen of all Media na si Kris Aquino.

Nanggaling si Kris sa kanyang pilgrimage sa Rome, Italy. Waley siyang kasamang alalay, wala siyang yaya or production assistant to accompany her in her trips to the pilgrimage sites sa Roma.

Upon arrival, puring-puri ni Kris ang mga anak na sina Josh at Bimby. Post kaagad siya sa kanyang Instagram ng photo ng pink balloons at welcome home message mula sa kanyang mga anak with this caption: “From the sweetest sons ever! I’m so blessed to be loved by them. #home.”

May issue kay Kris ngayon. Parang may imaginary boyfriend daw ito. This was the guy na kasama niya sa kanyang flight sa Rome.

Magkatabi sila sa airplane and it was made to appear na they’re on a romantic trip.

But one writer-friend close to Kris dismissed the rumor. Friend lang niya ito at wala silang relasyon other than being old friends.

We believe it kasi kung totoong may dyowa na si Kris, aba, the whole world will know. Si Kris pa ba naman ang magkakaroon ng secret about her life?

Read more...