Mas sobrang magmahal ang mga babae kesa sa lalaki!- Angeline

angeline quinto
KAHIT ilang beses nang nasawi sa pag-ibig, matindi pa rin ang paniniwala ng Queen of Teleserye Theme Songs sa true love.

Sa media launch ng latest album ni Angeline, ang “@LoveAngelineQuinto” under Star Music, sinabi ng dalaga na umaasa pa rin siya na darating sa tamang panahon ang kanyang “forever”.

“Kasi sa lahat naman po ng mga nangyari noon, may mga natutunan ako na siguro kung magmamahal ulit, kumbaga parang, mas kontrolado. Pero ayoko naman din magsisi na sa dulo po eh, sabihin ko na hindi ko ibinigay lahat ‘yun sa taong mahal ko. Hindi naman ‘yung ganu’n,” pahayag ni Angeline.

Masarap daw ang ma-in love kaya hindi raw siya mapapagod na magmahal kahit na ilang beses na siyang na-heartbroken.

“Kasi di ba, ang mga babae talaga, kapag nagmamahal ‘yan sobra kaya sinasabi nga nila, mas sobra magmahal ang mga babae kaysa sa mga lalaki.

“Based sa experiences ko po pagdating sa love, ang pinakanatutunan ko na sana sa susunod na magmamahal ako ay ‘wag naman ‘yung ibibigay ko lahat. Kumbaga, magtitira dapat ako nu’ng para sa sarili ko,” sey pa ng dalaga.

Seryosong hirit nito, “Hindi ko na rin gusto na kung anuman ‘yung kasiyahan ko na gusto ko na parang inaasa ko ‘dun sa taong mahal ko kasi kapag nawala siya, paano naman ako?”

Sa tanong kung ano ba ang mga qualities ng lalaki ang hinahanap niya ngayon, tugon ni Angeline, “Unang una, sana mahalin niya rin ang Mama Bob ko kasi ‘yun lang din ang kasama ko sa buong buhay ko, na sana maintindihan ang trabaho namin tsaka sana loyal.”

In fairness, halos lahat ng kanta sa bagong album ni Angeline ay puro hugot songs kaya siguradong makaka-relate raw ang madlang pipol. Ilan sa mga ito ay ang “Para Bang, Para Lang” na inialay ng singer-actress kay Mama Bob, ang kanyang kanyang foster mother, “At Ang Hirap” na isinulat ni Yeng Constantino, na tungkol sa hirap ng pagmo-move on mula sa break-up at “Paano Ba Ang Huwag Kang Mahalin” composed by Darla Sauler.

Nasa album din ang version ni Angeline ng Ogie Alcasid classic na “Kailangan Kita” at ang revival ng “Nanghihinayang” ng Jeremiah.

“Lahat ng kanta sa bagong ko love songs. Lahat yata ng sitwasyon sa pagmamahal naranasan ko,” sey pa ni Angeline na nagse-celebrate na ng kanyang 6th anniversary sa showbiz.

Kasama rin sa track list ng “@LoveAngelineQuinto” ang isa pang komposisyon ni Yeng na “Di Na Tayo,” ang duet nila ni Michael Pangilinan na “Parang Tayo Pero Hindi” (nanalong 5th Best Song of Himig Handog P-Pop Love Songs 2016), “Awit Ng Pag-ibig” at “Ang Pag-ibig Ko’y Ikaw.”

Ang “@LoveAngelineQuinto” ay ipinrodus ni Jonathan Manalo. Mabibili na ito sa record bars nationwide. Maaari na rin itong ma-stream sa Apple Music at Spotify. Magiging available naman ang buong album sa digital stores ngayong Jan. 29.

q q q

Matapos marinig ang boses ng adult at kiddie artists, pagkakataon naman ng teens na bumida ngayong 2017 sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Asya sa top-rating singing reality show na The Voice.

Nagsimula na nga ang paghahanap sa susunod na singing superstar sa pamamagitan ng auditions na ginanap sa Quezon City, Bataan, Cavite, at Tacloban, Leyte nitong Enero, na dinumog ng higit kumulang 6,000 auditionees.

Patuloy namang susuyurin ng programa ang iba’t ibang bahagi ng bansa para hanapin ang artists na edad 13 hanggang 17 years old na handang ipaglaban ang kanilang pangarap at boses.

Para sa mga gustong sumali, ihanda na ang audition song at sumugod sa Robinsons Place sa Jaro, Iloilo at Starmall San Jose Del Monte, Bulacan ngayong Linggo (Jan. 29). Magkakaroon din ng auditions sa susunod na buwan sa Starmall Las Pinas at KCC Mall sa GenSan (Peb. 4), at sa Star Mall EDSA Shaw (Peb. 5).

Mag-audition din sa Robinsons Townville sa Pulilan, Bulacan (Peb. 11), KCC Mall De Zamboanga (Peb. 11 at 12), Robinsons Townville Cabanatuan at Robinsons Townville BF Parañaque (Peb. 18), Robinsons Supermarket Perdices sa Dumaguete (Peb. 19), at sa Vista Mall Pampanga at Vista Mall Taguig (Peb. 25).

Read more...