Pia ibebenta ang mga bonggang damit na ginamit sa Miss U

pia wurtzbach

IBEBENTA ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga damit na ginamit at isinuot niya during her reign.

“After I step down as Miss Universe, I want to do an auction or a garage sale where I can hang and sell my dresses,” sey ni Pia sa panayam ng ABS-CBN.

Naipadala na raw ng dalaga rito sa Pilipinas ang “7 balikbayan boxes” mula sa Amerika laman ang kanyang mga damit na ginamit niya sa iba’t ibang events ng Miss Universe.

“”I’ll put a tag on each dress so buyers will know where I wore that outfit to,” chika pa ng dalaga. Ang kikitain daw sa pa-garage sale ni Pia ay mapupunta sa mga indigents ng Cagayan de Oro, ang hometown ng ating 2015 Miss U.

“Since I didn’t get to have a homecoming in my hometown, it will go to them,” pahabol pa ni Pia.

Read more...