Horoscope, January 29, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sorpresa ang magaganap, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong pangyayari. Makipagsapalaran, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, puwede ng pagtiyagaan ang isang Gemini. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kailanman’y hindi ka lubos na liligaya kung ikaw lagi ang nasusunod. Hayaang ang kasuyo ang magpasya. Sa pinansyal, ipaubaya sa iyong kasuyo ang diskarteng may kaugnayan sa pera at makikita mo kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag pang hinaan ng loob! Kung lalakasn mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya wag matakot na magmahal at magmahal pa uli ng magmahal. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Panahon na upang magbagong buhay. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong matagal mo nang kinayayamutan. Sa pinansyal, wag ng asahang magbabayad ang mga balasubas na mangungutang. Sa susunod wag ka na uling magpapautang. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya sasaya ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panahon na upang pagbutihin ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pag-iipon, iwasan gumasta ng gumasta ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Orange at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Huwag kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sariling diskarte sa pagpapayaman ang ipatupad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa araw na ito sa maling salita mapapa-away ka na naman. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anumang sasabihin sa kausap bago ka magsalita upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Marahil ay naguguluhan ka sa mga nangyayari! Magpakatatag dahil iyon ang dapat para malagpasan ang lahat ng mga pagsubok. Sa pinansyal, malapit ka ng magkapera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag mag-alala mahal ka ng kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Panahon na upang ituloy ang pagpupursege na yumaman, siguradong sa edad mong 50 pataas mararating mo rin iyan. Sa pag-ibig, hindi dapat pakinggan ang negatibong suwesyon ng kasuyo. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makakaahon ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, malapit ng magkatotoo sa iyo ang mga napapanood mo sa fairy tale story, “….and the prince and the princess live happily ever after!” Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2017 maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi may pagkakataog maloloko ka na namang muli. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Read more...