Nangungulila sa Boyfriend (2)

Sulat mula kay Kristine ng Dita, Sta. Rosa, Laguna
Problema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon ang kaso wala naman siya dito. Mag-iisang buwan na ng siya ay umalis ang sabi ng kapatid nya ay sumakay na raw ng barko. Ang problema hanggang ngayon wala pa rin akong nare-receive na message or call man lang niya. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil kinakabahan akong baka may masama nang nangyari sa kanya. At saka ngayon ko lang po na-realize na mahirap po pala kapag wala sa tabi mo ang iyong boyfriend lagi ko kasi siyang nami-miss at naaalala sa bawat saglit at hindi mawaglit sa aking isipan.
2. Babalik pa kaya siya at kami din kaya ang magkakatuluyan? Hanggang kailan po kaya ako mag-iisa, inip na inip na kasi ako at parang hindi ko talaga kaya na wala siya sa tabi ko. Babalik na kaya siya upang sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami at hindi na muling magkakahiwalay pa habang buhay? March 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Kristine ng Laguna
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 1.) ang nagsasabing pansamantala kayong magkakalayo ng boyfriend mo, ngunit kung siya ay isang Cancer o kaya’y Scorpio, sa kanyang pagbabalik, malaking tagumpay at kaligayahan ang pagsasaluhan nyong dalawa hanggang sa bandang huli ay kayo na nga ang magkakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing kung ang boyfriend mo ay isinilang sa petsang 4, 13, 22 o kaya’y 31, tugma kayong dalawa at sa kanyang pagbabalik may malaking sopresa at kaligayahan kang madarama.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot ng kulay na berde upang mawala ang iyong mga alalahanin at pag-aalala. Upang suwertehin ka naman sa lahat ng uri ng pakikipagsapalaran, dilaw at itim ang angkop at mapalad mong kulay.
Graphology:
Maayos at maganda ang iyong sulat kamay. Tanda na kahit na nasa malayo ang boyfriend mo at wala kayong kumunikasyon sa ngayon, wala namang itatalang gaanong problema sa larangan ng puso at damdamin. Umasa kang a kanyang pagbabalik tuloy ang ligaya!
Huling payo at paalala:
Kristine ayon sa iyong kapalaran, bagamat medyo matatagalan ang kanyang pagbalik, ang sigurado ay babalik siya at ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, at sa kanyang pagbabalik, hindi ka na mangungulila pa at mag-iisa, sapagkat sa nasabing panahon maihahanda n’yo na ang lahat upang kayo ay magpakasal at magsama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...