Alden, Maine mabenta pa ring mga endorser; kumita na ng mahigit P200-M sa TV Commercial

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

LUMABAS sa isang blog site ‘yung tungkol sa pag-charge umano ng GMA Network ng dagdag na bayad sa gustong mag-place ng ad spot sa Alden Richards-Maine Mendoza series na Destined To Be Yours. Take note na 50% ang dagdag na charge sa bawat placement, huh!

Natuwa ang fans nina Alden at Maine, “A sign of high trust!” ito. Lalo na’t more than P200 million na ang kinita ng dalawa sa TV ads nila!

Of course, sa dami ng TV commercials na ginawa nina Alden at Meng, small time lang ang halagang ito.

Malaki ang mileage nilang makukuha lalo na’t inaabangan na ito ng AlDub Nation na pag nagkaisa eh hindi patatalo sa alinmang grupo ng fans.

Dumating na kahapon mula sa California si Alden at pictorial agad sila ni Meng para sa DTBY. Sa nakaraang araw, tanging si Meng lang ang nasa Dolores, Quezon para mag-taping. Wala raw signal doon kaya waley ring pino-post na updates at pictures sa kanyang social media accounts ang Phenomenal Star. Valentine offering ito ng Kapuso Network so double time na ang dalawa sa pagti-taping.

Siyempre, masayang-masaya ang mga taga-Dolores, na location ng taping nina Maine at Alden. Of all places, ang bayan nila ang tinuntungan ng magka-loveteam.

Mag-isa nga lang sinelebreyt ni Meng ang 80th weeksary ng AlDub loveteam last Thursday.

Read more...