Ellen nagsawa agad kay Baste kaya naghiwalay

BASTE DUTERTE AT ELLEN ADARNA

BASTE DUTERTE AT ELLEN ADARNA

HINDI na kami nagtaka nu’ng aminin ni Ellen Adarna na hindi na sila nagde-date ni Baste Duterte dahil unang-una, wala namang pormal na inamin ang dalawa na may relasyon sila.

Ibinase lang ng netizens ang sa mga litratong pino-post ni Ellen na naghahalikan sila ng Presidential son ang kanilang relasyon.

Sabi nga ng mga nakakakilala kay Ellen ay normal na raw sa aktres na magkagusto sa lalaking type niya at kapag nagsawa na ay sasabihin niyang break na sila o hindi na sila nagde-date.

Sa madaling salita, nagsawa na si Ellen kay Baste or the other way around? Kilala rin kasi ang anak ni Presidente Rodrigo Duterte na mapagmahal sa mga girls, sa katunayan, marami talagang babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kuwento nga sa amin ng kampo ni Ellen, sobrang selosa raw ng aktres kaya lagi silang nag-aaway. ni Baste

Naalala tuloy namin si Ejay Falcon na hindi inamin ni Ellen na nagkaroon sila ng saglit na relasyon kasi nga nagsawa agad ang dalaga.

May isa pang aktor na hindi rin inamin ni Ellen na naging sila dahil wala rin namang nakaalam at ito yata ang dahilan kaya hiniwalayan ang aktor ng girlfriend niyang aktres din.

Read more...