Temperatura sa Baguio umabot ng 11 degrees

baguio-0128

NAITALA ngayon araw ang pinakamababang temperatura sa Baguio City matapos itong umabot sa 11 degrees Celsius, ayon sa weather bureau.

Sinabi ni Efren Dalipog, weather observer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) station sa Baguio City na ito rin ang pinakamababang temperatura simula pa noong Disyembre noong isang taon.

Idinagdag ni Dapilog na patuloy ang pagbaba temperatura sa Baguio City simula pa noong Lunes at inaasahang bababa pa ito sa mga susunod na raw dahil na rin sa cold front.

Ayon kay Dapilog, noong Enero 23, nakapagtala ang Pagasa 14.2 degrees, 14.4 noong Enero 24; 13.5, Enero 25; at 13.2, Enero 26.

“The chill was first felt this year on Jan. 9 when the temperature plunged at 11 degrees,” sabi ni Dalipog.

Ikinatuwa naman ng mga residente ang malamig na panahon sa harap naman ng pagdiriwang ng lungsod ng taunang Panagbenga o flower festival, na magsisimula sa susunod na linggo.

Read more...