KRIS handa nang ‘LUMAYAS’ sa Pinas kasama sina JOSH at BIMBY


Nagre-ready na sa pag-alis ng bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. On Friday, magsisimula nang mag-impake ng gamit nila si Kris ng mga  dadalhin nila sa Singapore kung saan gagawin ang pagsusuri kay Joshua.

Pero bago umalis, tatapusin muna ni Kris syempre ang ilan pa niyang commitments gaya ng grand finals ng Pilipinas Got Talent ngayong Sabado at Linggo. We heard, exciting daw ang labanan sa PGT, huh.

Marami na rin ang na-tape ni Kris for her morning show na Kris TV. This week, nag-taping pa siya ng one-week episode kasama na diyan ang backpack sa Bataan at Pampanga.

At bago mag-PGT sa Sabado si Kris, attend muna siya ng swimming event ni Joshua.

Last Monday, sama-sama namang nag-shoot ng bagong endorsement ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby.

Ayaw talagang paawat ang pagdating ng endorsements kay Bimby, huh!

Read more...