MISMONG araw ng kaarawan ni Yasmien Kurdi nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA Network last Wednesday, Jan. 25.
Kahit ngayong araw ay finale na ng afternoon series niyang Sa Piling ni Nanay, agad siyang may papasukan program pero off the record pa ‘yon kahit agad nahulaan ng press na kausap niya ang series na ‘yon.
Sinabi rin ni Yas na dapat ay last week pa nag-last taping day ang SPN.
“Pero dahil sa gusto nilang pagandahin pa, nagtapon sila ng eksena, nag-taping uli kami ng last taping day talaga. Hindi nila nagustuhan kaya tinapon nila ‘yung scenes, nag-tape uli kami last Monday dito lang. Pero the whole time, Pampanga kami,” pahayag ni Yasmien.
Gory sana ang magiging ending ng kaaway niyang mortal sa program na si Katrina Halili. Pero iniba nila ‘yon. Kaya abangan na lang ngayong hapon.
Ano birthday wish niya? “Sa tooo lang, hindi ko po alam ang iwi-wish ko. Ngayon, ang contract signing ko kanina. Basta mahabang-mahabang-mahaba!
“Aside sa contract signing ko, birthday ko, malaking birthday gift na rin ‘yon, maganda ang ratings ng show ko, nag-extend kami ng ilang beses and then, masaya ang family. Ang wish ko na lang siguro, good health for my loved ones saka ‘yung nagmamahal din sa akin.
“Sana lahat maayos. Mahirap kasi kung nagkakasakit eh. Baby? Parang wala sa plans namin. Nahihirapan po kasi kami ngayon. Like ngayon, nahihirapan kaming maghanap ng yaya. Ngayon wala na naman kaming yaya!” sagot ni Yas.
Saka niya ikinuwento ang love story ng yaya niya na na-inlove sa isang security guard na ikinabaliw ng press!