HABANG tumatagal, nakikilala na ang Pilipinas bilang batikan sa mga beauty pageant, lalo na ang mga international beauty pageants. Sa mga nakaraang taon halos lahat ay meron tayong naging wagi o reyna sa mga pageant katulad ng Miss International, Miss World at nito lang na Miss Universe.
Ngayong sa Pilipinas pipiliin ang magiging successor ni Pia Wurtzbach, balikan natin ang mga Pinay na kaunti na lang sana ay naging winner din. Heto ang ilan sa umabot sa final five ng Miss Universe through out the years:
Lalaine Bennett – 3rd Runner-up, 1963
Hindi man nakuha ni Lalaine ang korona ng taong iyon, kilala naman siya bilang pinakaunang Miss Philippines na naging finalist sa Miss U competition. May dugong Amerikano si Lalaine, at bago pa siya sumali sa Miss U ay sumabak na ito sa pag-aartista. Nagbida siya sa Ligaw na Daigdig at pagkatapos ng Miss U, ang pelikulang Dear Eddie at ang authobiography movie na Lalaine Mahal Kita. Naputol lamang ang kanyang career ng pakasalan nya ang kanyang naging official escort noong Miss Universe na si Felix Skievasky, isang Amercan naval officer.
Rose Marie Brosas – 4th Runner-up, 1975
Siguro kung ngayong age ng social media si Rose Marie Brosas pinanganak at sumali ng Miss Universe sagot pa lang nya sa Q and A sure winner na siya. Ang tanong kasi sa kanya ng host na si Bob Barker ay:
“If you become Miss Universe of 1975 what one individual other than your parent would have made the greatest contribution to your success and why?”
Ang kwelang sagot ni Rose Marie?
“Well I think it would be the judges because they were the ones who voted for me if I become Ms. Universe.”
Diba pak na pak? Sayang lang at hindi pinalad ang lola mo. Pero fun fact: alam niyo ba noong hinost ang Miss Universe 1974 dito sa Pilipinas isa si Rose Marie sa mga naging usherettes ng kumpetisyon? Sino bang mag-aakalang a year later siya naman ang magrerepresent sa bansa sa Miss Universe diba?
Chat Silayan – 3rd Runner-up, 1980
Anak ng artistang sina Vic Silayan at Antoinnette Rivera si Maria Rosario “Chat” Rivera Silayan pero ng tanungin siya noong pageant kung gusto nya bang mag artista ang naisagot nya ay: “No! Because the movies are not good for women!”
Dumaan si Chat sa maraming pagsubok at isa na nga dun ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Dinaan nya sa pagiging busy at pag-aaral ang kanyang atensiyon na umabot pa sa punto na nasabihan siya na ang ganda raw nyang magdala ng problema. Kung sa mga pinagdaanan lang, si Chat na siguro ang pinaka magandang ehemplo para sa mga kababaihan na dumadaan sa pagsubok.
Desiree Verdadero – 3rd Runner-up, 1984
Kung titignan sa mga kasabayan nya, hindi nga naman lutang ang ganda ni Desiree Verdadero o di kaya ang kanyang personality. Pero meron daw siyang charm na naghatid sa kanya hanggang finals ng Miss Universe. Kasabay pa ng kanyang magandang pangangatawan, na lumabas sa swimsuit category, umabot pa rin siya ng 3rd sa isa sa pinakamahirap na laban ng Pinas sa Miss U.
Miriam Quiambao – 1st Runner-up, 1999
Bukod siyempre kay Pia, isa si Miriam Quiambao sa mga tumatak sa puso ng mga Pinoy na sumali sa Miss Universe—at hindi pa siya ang naging winner noong taon na yun huh! Siguro kasi siya ang pinaka the best na example na pag nadapa ka, dapat tumayo muli, ngumiti at tapusin ang ginagawa na para bang walang nangyari. Noong una daw ay hindi pa nya ramdam, pero ng matapos na ang kanyang walk naiyak daw siya sa kahihiyan pero pinuri naman siya ng kanilang choreographer ng araw na iyon.
Venus Raj – 4th Runner-up, 2010
Akalain mo na dati pala ay binubully si Venus noong bata dahil sa pagiging maitim at payat daw nito. At dahil nga matangkad, hindi naiwasan na medyo kuba siya noon. Noong na try daw nyang sumali sa mga beauty contest sa kanilang bayan, ay doon nya na realize na advantage pala ang pagiging matang-kad nya at simula noon ay sumali na siya sa iba’t ibang beauty contest para sa makatulong financially sa kanyang family. Nagkaroon noon ng isyu sa kanyang birth certificate at kinuwestyon ang kanyang eligibility na i-represent ang Pilipinas na nag-uwi sa pag-bawi ng kanyang korona pero dahil sa public support nabawi naman nya ito, at siya ang naging kauna-unahang na-dethrone na nabawi ang korona. Siguro ang most memorable part ng kanyang Miss Universe experience ay ang ‘major major’ question and answer portion.
Shamcey Supsup – 3rd Runner-up, 2011
Isa sa pinakamaganda sa Miss Universe 2011 si Shamcey Supsup, na naging isang malaking advantage sa kanya para sana maiuwi ang korona sa taong iyon. Si Shamcey lang ang sumagot ng Ingles sa tanong, samantalang ang mga kalaban nya sa top five ay sumagot via interpreter. Inakala ng marami na siya na ang maguuwi ng korona dahil sa dami ng online votes para sa kanya.
Janine Tugonon – 1st Runner-up, 2012
Talagang sobrang muntik ng maiuwi ni Janine Tugonon ang korono noong Miss Universe 2012. Halos agree naman ang buong Pilipinas na sobrang ganda ng sagot ni Janine sa tanong na: “As an international ambassador, do you think that speaking English should be a prerequisite for Miss Universe? Why or why not?”
Ang sagot nya? “For me Miss Universe is not about being able to speak a particular language, it’s about being able to influence and inspire other people. No matter what language you have as long as you have the heart you can inspire other people.”
Subabog ang mga netizens lalo na ang mga Pinoy dahil talagang inasahan nilang si Janine na ang maguuwi ng korona ng taon na ito.
Ariella Arida – 3rd Runner-up, 2013
Akalain mong boyish pala noon si Ariella Arida at mahilig sa sports. Noong mga panahon na yun ay hindi siya naghi-high heels hanggang umabot siya sa edad na 21. Ang Bb. Pilipinas ang pinakauna nyang major competition na sinalihan. Malaki noon ang expectations para kay Ariella dahil sa recent napagkapanalo ni Megan Young sa Miss World before ng kumpetisyon pero nakuha ni Miss Venezuela ang korona.