Julie Anne class pa rin, hindi bastusin kahit nagpapaseksi

JULIE ANNE SAN JOSE

JULIE ANNE SAN JOSE

MARAMI ang nakapansin na papunta na sa pagiging daring si Julie Anne San Jose when it comes to her dressing.

We saw three recent photos of her and we felt that she was classy naman kahit na medyo sexy ang kanyang outfits.

One had her wearing a lingerie-type of top matched by a tattered denim. Another had her donning a black bra with matching black outfit.

Unlike other stars na nagpapaseksi, mukhang disente pa rin naman itong si Julie Anne. May class pa rin naman siya.

She’s daring na rin sa kanyang role sa isang soap opera. Maybe she thought she’s not getting any younger at bida naman siya sa remake ng isang movie kaya wala na siyang hiya-hiya, bikini kung bikini na rin siya ngayon.

One friend noticed, though, na tila ipinaayos ni Julie Anne ang kanyang lips. We beg to disagree. Dati nang makapal ang lips ni Julie Anne at isa ‘yon sa assets niya.

Read more...