Duterte  sumasakay sa Mamasapano massacre para sa pansarili-Trillanes, de Lima 

rodrigo duterte

INAKUSAHAN nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Leila de Lima si Pangulong Duterte na sumasakay lamang sa isyu ng Mamasapano para malihis ang atensyon ng publiko sa krisis na kinakaharap ng kanyang administrasyon.
“Panglihis lang ‘yan sa mga kapalpakan ng administrasyon n’ya,” sabi ni Trillanes.
Sinuportahan naman ni de Lima ang komento ni Trillanes.

“The second anniversary of the Mamasapano incident is again being used by Duterte to divert attention from the crisis his current leadership is facing, rather than to actually give justice to the SAF (special Action Force) and Muslim civilian victims of that armed encounter,” sabi ni de Lima.
Ito’y matapos idiniin ni Duterte si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa palpak na operasyon ng Mamasapano kung saan 44 miyembro ng SAF ang napatay.
“This appears to be the primary motivation of the President in continuously harping on the Mamasapano incident. It is to continuously demonize the past administration in order to cover up for his own lack of accomplishments and direction after six months into his term,” ayon pa kay de Lima.
Ipinag-utos din ni Duterte ang pagtatatag ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa nangyaring insidente.
“Duterte is the least qualified in directing such a probe given his propensity for prejudgement and to preempt the results of any investigation, as he himself has already declared the Mamasapano police action as a CIA operation,” ayon pa kay de Lima.

Read more...