Aljur handa raw pakasalan si Kylie para sa kanilang anak

kylie padilla at aljur abrenica

ALTHOUGH there is no denial or confirmation, isang online portal ang nag-confirm na buntis na nga si Kylie Padilla. The father, of course, is Aljur Abrenica.

Naghiwalay ang magdyowa only to find each other’s romantic arms again. And now, the buntis issue.

Bakit parang hindi nagpapakalalaki si Aljur? Why didn’t he own up his being a father to Kylie’s baby?

Bakit parang takot na takot siyang humarap sa publiko para sabihing nabuntis niya si Kylie?

For some fans, sinira ni Aljur ang career ni Kylie lalo pa’t muli nang kumikinang ang star nito nang mapasama sa isang fantaserye ng Siyete.

Ang fear ng ilang fans ay ang magiging reaction ni Robin Padilla, father ni Kylie.

“Yan ang ayaw ni Robin dati pa. And I remember her interview before na hinding hindi mangyayari na mabubuntis sya. Anyhow, baby is a big blessing! Congrats!” said one fan.

“Congrats! I wonder how Robin is feelin’ right now. Well, at least may playmate ang anak nyo ni Marielle,” say naman ng isa pang tagahanga.

“Congrats both of u. Sa mga nagko comment tanggapin niyo nlng silang dlwa at suportahan sila. Nde yng kng ano2 pa mga sinsbi niyo dyn. Pareho nman silang single,” a well-meaning fan said.

Kung true na buntis nga si Kylie, wala nang magagawa si Robin kundi tanggapin na lang niya ang katotohanan. Mukha namang handang pakasalan ni Aljur ang anak niya at hindi naman niya ito tatakbuhan.

Read more...