Dingdong, Andrea, Megan, Sid susugod sa Market! Market!

15356551_1223851444375417_8448263804956041406_n

MAS lalong magiging kaabang-abang ang mga kaganapan sa top-rating primetime series na Alyas Robin Hood sa GMA 7 dahil may bagong twist na naman na magaganap sa kuwento.

Naabutan kasi ni Pepe (Dingdong Dantes) na binibilog ni Dean (Sid Lucero) ang ulo ni Sarri (Megan Young), kaya’t magpapakita na siya muli rito, at magpapakilala bilang ang lalaking minahal niya noon.

Maiiyak si Sarri at maguguluhan dahil inakala nga niyang matagal ng patay si Pepe.

Sa ngayon kasi ay si Dean ang naiisip niya, ngunit ramdam niyang si Pepe ang totoong mahal niya. Ang tanong ngayon ng bayan, paano na si Venus (Andrea Torres)? Naka-move on na nga ba talaga si Pepe sa kanyang first love?

Samantala, isang Thanksgiving mall show naman ang handog ng cast ng Alyas Robin Hood ngayong Biyernes. Bibisitahin nila ang kanilang fans sa Market! Market! sa Taguig, 5 p.m..

Makikita n’yo na up close and personal sina Dingdong, Megan, Andrea, Sid, Paolo Contis, Michael Flores, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, Pauline Mendoza, Luri Vincent, Antonette Garcia at Anthony Falcon.

Read more...