Sinampahan na ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kahapon si dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force head Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano incident.
Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Public Function ang isinampa kina Purisima at Napeñas isang araw bago ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon sa Ombudsman naki-alam si Purisima sa operasyon kahit na suspendido ito dahil sa kasong administratibo na isa umanong malinaw na paglabag sa PNP chain of command.
At si Napeñas naman umano ay nagre-report kay Purisima kahit na suspendido ang huli kaya siya ay maituturing na kasabwat sa paglabag.
“That in December 2014 to January 2015, or sometime prior or subsequent thereto…. Allan La Madrid Purisima…. while under preventive suspension from office…. under pretense of official position and without being lawfully entitled to do so, conspiring with Getulio Pascua Napenas…. did then and there willfully, unlawfully and feloniously perform the function of the Chief of PNP by participating in the mission planning and supervision over the execution of Oplan Exodus.”
Si Napeñas ang naglatag ng Oplan Exodus upang mahuli o mapatay ang international terrorist na sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Abudl Bassit Usman.
Samantala, sa Kamara de Representantes ay naghain naman ng resolusyon si Bayan Muna Rep. Carlo Isagani Zarate upang muling imbestigahan ang Mamasapano incident.
“WHEREAS, more than two years since that fateful tragedy, the Filipino people, and, most especially families of those who died, have yet to attain justice. The indictment of former PNP Director General Alan Purisima and SAF Commander Getulio Napenas is not enough as those who were ultimately responsible for the botched mission remain at large..” saad ng House Resolution 491.
Purisima, Napenas kinasuhan na sa Mamasapano incident
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...