Magkakaroon na ba ng tindahan? (2) | Bandera

Magkakaroon na ba ng tindahan? (2)

Joseph Greenfield - January 25, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Virginia ng  Banggolo, Quezon Avenue, Marawi City

Problema:

  1. Simula ng iwanan ako ng aking asawa at sumama sa ibang babae hindi ko na malaman kung paano ko bubuhayin ang aking kaisa-isang anak. Hindi ako nakatapos man lang ng Grade VI kaya walang matinong trabaho na mapasukan. Sa ngayon ay umaasa na lang ako sa tulong ng mga kapatid ko at magulang pero madalas na nagsasawa na rin sila kaya lagi nilang akong sinesermunan at pinapagalitan na naririnig pa ng aking anak.
  2. Nais ko sanang magtinda-tinda sa harap ng bahay namin para magkaroon ako ng sariling income, kaya lang wala naman akong puhunan. Saan kaya ako makakahanap ng puhunan at matutupad kaya ang pangarap kong amagkaroon ng sariling tindahan ngayong taong ito ng 2017? September 23, 1982 ang birthday ko.

Umaasa,

Virginia ng Marawi City

Solusyon/Analysis:

Astrology:

        Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Virgo at Libra  ay nagsasabing mapalad ka sa negosyong tindahan, lalo na kung ang susunod mong mapapangasawa ay may  zodiac sign na Aquarius (Illustration 1.) o kaya’y Gemini. Kapag ganyan ang zodiac sign ng lalaking susunod mong mapapangasawa, tiyak na kayo ay yayaman.

Numerology:

Ang birth date mong 23 ay nagsasabing bukod sa puwesto mo sa harap ng inyong bahay, kapag maunlad na maunlad na ang iyong negosyo, sa bandang huli magkakapuwesto ka rin sa pamilihang bayan at sa iba pang lugar hanggang sa dumami ng dumami ang iyong tinadahan, pagkatapos makapagro-rolling o makapagra-rasyon ka ng iyong mga paninda at sa bandang huli ang pagrarasyong ito na ang iyong ikayayaman.

Luscher Color Test:

Lagi kang gumamit ng matitingkad na kulay tulad ng pula at dilaw, ganon din ang kulay at alahas na gray at silver,  upang ang lahat ng suwerte ay bumuhos pang lalo sa iyong karanasan.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Virginia ayon sa iyong kapalaran kung naghihirap ka man sa ngayon at tila inaapi ng sarili mong mga kadugo, sa taong kasalukuyan magbabago na ang lahat,  sa tulong ng isang lalaking Aquarius – siya ang magbibigay sa iyo ng puhunan, hanggang sa tuloy-tuloy mo ng mapalago ang itatayo mong tindahan, sa bandang huli magkakapuwesto ka sa palengke at makapagro-rolling ng iyong mga paninda na siya lalo mo pang ikayayaman na magsisimulang maganap sa taong 2023 sa edad mong 41 pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending