Magkakaroon na ba ng tindahan?

Sulat mula kay Virginia ng Banggolo, Quezon Avenue, Marawi City
Dear Sir Greenfield,

Simula ng iwanan ako ng aking asawa at sumama sa ibang babae hindi ko na malaman kung paano ko bubuhayin ang aking kaisa-isang anak. Hindi ako nakatapos man lang ng Grade VI kaya walang matinong trabaho na mapasukan. Sa ngayon ay umaasa na lang ako sa tulong ng mga kapatid ko at magulang pero madalas na nagsasawa na rin sila kaya lagi nilang akong sinesermunan at pinapagalitan na naririnig pa ng aking anak. Nais ko sanang magtinda-tinda sa harap ng bahay namin para magkaroon ako ng sariling income, kaya lang wala naman akong puhunan. Saan kaya ako makakahanap ng puhunan at matutupad kaya ang pangarap kong amagkaroon ng sariling tindahan ngayong taong ito ng 2017? September 23, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Virginia ng Marawi City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing kitang-kita ang magandang Business Line o Guhit ng Negosyo (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kapag nakapagsimula ka ng isang negosyo tulad nga ng tindahan madali mo itong mapapaunlad at mapalalago.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Nine of Hearts at Ten of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong kasalukuyan 2017 kusang matutupad ang pangarap mo na magkaroon ng sariling tindahan, at ito ay mabilis na uunlad at aasenso habang ito ay patuloy mong minamahal at pinapangasiwaan.
Itutuloy…

Read more...