SINABI ni Sen. Antonio Trillanes IV na nakikita niya ang posibleng pagkakasangkot ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa P50 milyong bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, kinuwestiyon ni Trillanes kung paano nalaman ni Aguirre ang P50 milyon hanggang P100 milyon alok na suhol ng gambling tycoon Jack Lam, sa pamamagitan ng kinatawan na Wally Sombero, na wala namang nagsabi sa kanya.
Partikular na binanggit ni Trillanes ang panayam ni Aguirre noong Disyembre 1, matapos niyang sabihin na tatanggap sana siya ng P50 milyon hanggang P100 milyon mula kay Lam kung tinanggap niya ang alok.
Ngunit nang humarap sa pagdinig ng Senado, walang binanggit si Aguirre sa nangyaring alok.
Sa pagdinig, hiningi lamang ni Sombero na makipagpulong si Aguirre sa Shangri-La hotel sa the Fort noong Nobyembre 226.
Sinabi ni Aguirre na bukod sa kanya, kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina Sombero, Lam, dalawang interpreter, at dating BI Associate Commissioner Al Argosino.
“Mr. Secretary, matagal na pong walang nag-aalaga kay Jack Lam, pwede po bang ang Secretary of Justice ang mag-ninong sa kanya? That’s the proposal that I rejected,” ayon pa kay Aguirre.
“At baka kaya sya (Aguirre) naglabas sa media ay dahil nagka-bukohan na,” ayon pa kay Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na hindi naman posible ang teorya ng conspiracy sa pangyayari, sa pagsasabing magkakasama sina Aguirre, Argosino at Robles sa fraternity.
“Remember isang grupo sila. San Beda group, fraternity brothers. Nakita mo ang tiwala ni Secretary kay Argosino, isinama sa meeting…” sabi ni Trillanes.