SUGATAN si dating Pampanga representative Juan Miguel “Mikey” Arroyo matapos ang maaksidente habang binabagtas niya ang FVR Megadike papuntang bayan ng Por kaninang hapon.
Nasugatan si Arroyo sa ulo at ngayon ay ginagamot sa Mother Teresa of Calcutta Hospital. Wala pang detalye na inilalabas.
Ayon sa ulat, si Pampanga Vice Gov. Dennis Pineda ang nagdala kay Arroyo sa ospital.
Si Arroyo ay anak ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsilbi ang batang Arryo bilang kongresista sa ikatlong distrito ng Pampanga mula 2004 hanggang 2010.
MOST READ
LATEST STORIES