MUKHANG ilan buwan lang ang itinagal ng relasyon ng sexy star na si Ellen Adarna kay Presidential son Baste Duterte.
Kahapon, mismong si Ellen na ang nagbalita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tungkol sa paghihiwalay nila ni Baste.
May nagtanong kasi sa Kapamilya actress kung bakit hindi na siya nagpo-post ng pictures nila ni Baste sa kanyang social media accounts. Bago matapos ang 2015, talagang tadtad ng photo nila ni Baste ang IG ni Ellen kabilang na rito ang kontrobersiyal nilang “kissing photo”. Pero bigla ngang natigil ito pagpasok ng 2017.
Last week, panay ang post ng sexy star ng mga selfie photo niya na may caption tungkol sa pagiging “single” niya kaya naman tanong ng kanyang followers kung naghiwalay na ba sila ni Baste?
Sey ni Ellen, “Hindi na po kami. 2016 pa po yon. Bagong taon na. At para manahimik na tayong lahat.”
So, ibig sabihin, hindi pa man sila talaga umaamin ni Baste sa kanilang tunay na relasyon ay break na agad. Ganern!
Nauna rito, nag-post din ng ilang pictures si Ellen sa IG kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigang sina Arci Muñoz at Bela Padilla na pareho ring nakipaghiwalay sa kanilang mga boyfriend.
May hashtag pa itong “#singlesnight” with this caption: “Camp…. saya!!!!! Finally nagsama din tayo! Hahahaha! #singlesnight #stripperfeels #stripperheels #anongganap? #bahalanasibatman #malaya tayo!”