P137M jackpot sa Ultra Lotto

lotto for site

Inaasahang aabot sa P137 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 39-09-30-20-34-01 sa bola noong Linggo ng gabi kung saan umabot ang jackpot prize sa P131.6 milyon.
Nanalo naman ang dalawang mananaya ng tig-P280,000 matapos makuha ang limang numerong lumabas.
Ang 685 mananaya naman ay nanalo ng tig-P1,340 matapos makuha ang apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 16,277 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo lamang.

Read more...