Mga Laro sa Miyerkules
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Star vs Blackwater
7 p.m. TNT KaTropa vs Globalport
NASUNGKIT ng Alaska Aces ang krusyal na ikalimang panalo matapos nitong tambakan ang Mahindra Floodbusters, 107-91, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game Linggo sa Philsports Arena, Pasig City.
Gumawa si Vic Manuel ng 20 puntos para pamunuan ang Aces, na umangat sa 5-4 kartada at pinalakas ang tsansang makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Kumamada si Alex Mallari ng 23 puntos para pangunahan ang Floodbusters, na nalaglag sa 2-7 record.
Samantala, pinangunahan ni San Miguel Beermen center June Mar Fajardo, ang 24 miyembro ng Gilas Pilipinas training pool na pormal na inanunsyo ni SBP president Al Panlilio matapos ang laro ng Mahindra at Alaska.
Maliban kay Fajardo nakasama rin sa pool sina Calvin Abueva, Art Dela Cruz, Japeth Aguilar, Terrence Romeo, LA Revilla, Jonathan Grey, Bradwyn Guinto, Norbert Torres, Raymund Almazan, Paul Lee, Jayson Castro at ang 12 Gilas cadet players na napili sa special rookie draft noong isang taon.