Sulat mula kay Artemio ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija
Problema:
1. Ang problema ko ay kung bakit bigla na lang akong nawalan ng gana at libog sa aking asawa. Noong una okey pa kami at talagang masarap at maligaya ang aming pagsasama, ang kaso bukod sa mas matanda siya sa akin ng nine years, kapag pala tumatanda na ang tao, nasasawa din siya sa kanyang asawa. At ito ngayon ang dilemma na aking pinagdadaanan, kaya sa ngayon napilitan akong pumatol sa mas bata at magandang babae na kung saan ay may karelasyon ako na kasamahan ko rin sa aking trabaho. At sa ngayon ay madalas na kaming nagse-sex at masayang-masaya ako kapag siya ang ka-sex ko at kapag kasama ko siya.
2. Ang kaso nagi-guilty din ako sa aking ginagawa at natatakot din akong magkahiwalay kami ng misis ko lalo na’t sumasagi sa isip ko ang kinabukasan ng a-ming mga anak. Sa palagay mo, ano ang mangyayari sa magulong mundong itong pinasok ko, may kalutasan kaya at hindi kaya masira ang pamilya ko sa sandaling natuklasan ng aking misis na ako ay nambabae? April 13, 1971 ang birthday ko.
Umaasa,
Artemio Gapan,
Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung si misis ay hindi isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, posibleng magkahiwalay kayo na maging dahilan upang mawasak ang inyong pamilya higit lalo kung isang Scorpio o kaya’y Libra ang ka-relasyon mo.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing dahil hindi mo naman gaanong pinapahalagahan ang usaping moral o kabutihang asal, may babala na patuloy kang magugumon at masasarapan sa ginagawa mong pambabae sa kasalukuyan.
Physiognomy:
Alisin o ahitin mo kasi ang iyong bigote na nagi-ging dahilan kung bakit kahit may asawa at pamilya ka na ay nakakapagpasagot ka pa rin ng isang dalaga. Iyan ang iyong “talisaman” na nagagamit mo naman sa masama.
Huling payo at paalala:
Artemio bago mahuli ang lahat hadlangan mo ang nakatakdang kapalaran, hiwalayan mo na ang iyong kerida. Dahil kung hindi, tiyak na ang magaganap, mawawasak ang inyongpamilya at sa iyong pagtanda, magiging lalong mise-rable ang buhay mo hanggang sa magkasakit ka at tumanda na wala na sa iyong nag-aalaga, kasi nga sinira mo ang isang pamilya na dapat sana’y kasakasama mo hanggang sa dapit hapon ng iyong buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.