SO, break na pala sina Bela Padilla at Neil Arce.
“Break na kami,” halos pabulong na sabi ni Bela sa isang writer sa presscon ng My Deart Heart na pinagbibidahan nila Zanjoe Marudo at Coney Reyes.
Pero mukhang maganda naman ang naging break-up nila dahil say ni Bela sa writer, “Honestly, I can see us being friends pa after this.”
“And, iyon nga, magkatrabaho naman kami and marami pa kaming concepts na ginawa together. So, after ng movie, hindi pa ito yung last, makakatrabaho ko pa rin siya. I mean, mayroon kaming ongoing na, parang pa-start na mga projects. So, I’m gonna see him the whole year,” dagdag pa ng aktres.”
MOST READ
LATEST STORIES