Isang mananaya sa Candon City, Ilocos Sur ang nanalo ng P107.3 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola kagabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 52-17-20-43-15-19.
Tumaya ang nanalo ng System 7 o pitong numero ang kanyang pinili.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.
Nanalo naman ng tig-P86,400 ang 14 na mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P1,440 naman ang napanalunan ng 672 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,655 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
Sa bawat P1 na itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 porsyento sa Charity Fund at ang nalalabi ay sa gastos sa operasyon nito.
Taga-Ilocos Sur nanalo ng P107M
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...