Sa bata mas lumiligaya | Bandera

Sa bata mas lumiligaya

Joseph Greenfield - January 22, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Artemio ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija
Dear Sir Greenfield,
Ang problema ko ay kung bakit bigla na lang akong nawalan ng gana at libog sa aking asawa. Noong una okey pa kami at talagang masarap at maligaya ang aming pagsasama, ang kaso bukod sa mas matanda siya sa akin ng nine years, kapag pala tumatanda na ang tao, nasasawa rin siya sa kanyang asawa. At ito ngayon ang dilemma na aking pinagdadaanan, kaya sa ngayon napilitan akong pumatol sa mas bata at magandang babae na kung saan ay may karelasyon ako na kasamahan ko rin sa aking trabaho. At sa ngayon ay madalas na kaming nagse-sex at masayang masaya ako kapag siya ang ka sex ko at kapag kasama ko siya. Ang kaso nagi-guilty din ako sa aking ginagawa at natatakot din akong magkahiwalay kami ng misis ko lalo na’t sumasagi sa isip ko ang kinabukasan ng aming mga anak. Sa palagay mo, ano ang mangyayari sa magulong mundong itong pinasok ko, may kalutsan kaya at hindi kaya masira ang pamilya ko sa sandaling natuklasan ng aking misis na ako ay nambabae? April 13, 1971 ang birthday ko.
Umaasa,
Artemio Gapan, Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin na sadyang nabiyak ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay babala na oo nga’t maligaya ka sa ngayon, pero paglipas ng isa, dalawa o tatlong taon pa, matapos mawasak ang inyong pamilya, kalungkutan at pagsisisi rin ang sigurado mong madadama.
Cartomancy:
Jack of Spades, Two of Hearts at King of Spades ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing dahil sa dalawang babae sa buhay mo — ang misis mo at ang iyong kerida, humigit kumulang sa taon ding ito ng 2017, kapag hindi ka nagpakanito at naglubay sa iyong ginagawa, unti-unti ng guguho at tuluyang mawasasak ang iyong pamilya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending