Laging sawi sa pag-ibig (2)

Sulat mula kay Roselle ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Problema:
1. Bakit kaya ako malas sa pag-ibig? Hindi ko nga alam kung bakit nagkaganito ang love life ko. Sa edad ko kasing 24 ay ang dami-dami ko nang karanasan sa ibat-ibang lalaki. First year high school pa lang ako ay may mga manliligaw na ako at naging boyfriend. At ang first boyfriend ko rin ang unang nakagalaw sa akin. Third year na kami nang lumipat siya ng ibang school kaya hindi na kami nagkita. Nagka-boyfriend na uli ako ng iba at nagalaw din ako pero tulad ng una ay hindi rin kami nagkatuluyan. Hanggang sa ibahay ako ng isang mayamang lalaki kaya hindi na ako nakapagpatuloy sa college. Huli na nang matuklasan kong may asawa na siya kaya nakipaghiwalay ako.
2. Pagkatapos, mga limang lalaki pa ang dumating sa buhay ko na hindi ko rin nakatuluyan. Sa ngayon ay parang naiisip kong maruming babae na ako at wala nang lalaking magkakagusto pa sa akin. Sa palagay n’yo makapag-aasawa pa kaya ako? Makakatagpo rin kaya ako ng isang mabait na lalaking mamahalin ako habambuhay kahit na marami na akong naging karanasan sa lalaki? October 10, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Roselle ng Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong mapapangasawa at makakasama habambuhay sa kabila ng nakaraan mong mapangit na karanasan.
Numerology:
Ang birth date mong 19 ay nagsasabing titino at magiging mabuti ang pakikipagrelasyon mo sa pag-ibig kung isang lalaking isinilang sa petsang 7 ang iyong magiging boyfriend at mapapanagsawa. Makikilala mo siya sa taong ito at sa edad mong 25 pataas.
Luscher Color Test:
Ugaliin mo ring laging magsuot ng kulay na dilaw at pink upang bumuti at gumanda ang iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Huling payo at paalala:
Roselle, huwag mong isiping ikaw ay marumi na sa kabila ng maraming lalaking nakagalaw sa iyo. Ang kalinisan ng isang babae ay wala naman sa kanyang “puri” kundi nasa kanyang puso. Manatili ka lang na magpakabuti at magpakatino at makikita mo sa taon ding ito, sa edad mong 24 pataas, isang lalaking may initial na M.U. ang magkakagusto sa iyo. Ang lalaking ito ang tuluyan mo nang mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang masagana at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Read more...