John Estrada napasabak sa matinding drama sa MMK

john estrada

MATAPOS ang pagganap bilang Tristan sa primetime serye na Magpahanggang Wakas, muling mapapanood si John Estrada bilang isang sundalong haharapin ang pinakamatinding laban niya sa buhay – ang pagiging isang ama at ina sa kanyang mga anak, ngayong Sabado ng gabi sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Kilala si Recho (John) ng marami bilang isang matapang at masipag na sundalo na nagsisilbi para sa Philippine Army. Pero sa harap ng kanyang dalawang anak na sina Angelique (Jane de Leon) at Lorenz (Bugoy Carino), siya ay isa siyang mabait at maunawain na ama. Mahirap man pagsabayin ang trabaho at buhay pamilya ay ginagawa pa rin ni Recho ang lahat na huwag mapabayaan ang tungkulin bilang ama at asawa.

Magbabago ang ikot ng mundo niya nang tuluyan ng nawasak ang pagsasama nila ng kanyang asawa na siyang naging sanhi para bigla siyang maging single father sa kanyang mga batang anak. Paano malalampasan ni Recho ang pagsubok na ito? Paano niya magagawang magsilbi sa bayan at itaguyod ang mga anak ng mag-isa?

Makakasama din sa upcoming episode sina Jerome Ponce, Rochelle Barrameda, Marilyn Villamayor, Ronnie Quizon, Erin Ocampo, Jomari Angeles, Manuel Chua, Marco Masa, Miel Espinoza at Alex Castro, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat nina Arah Badayos at Akeem del Rosario. Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Read more...