Solo 2nd place target ng Rain or Shine Elasto Painters

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Meralco vs Rain or Shine
7 p.m. Blackwater vs Barangay Ginebra
Team Standings: San Miguel (8-1); Rain or Shine (5-3); GlobalPort (5-3); Blackwater (5-4); TNT (5-4); Phoenix (5-4); Barangay Ginebra (4-4); Alaska (4-4); Star (4-4); Mahindra (2-6); NLEX (2-7); Meralco (2-7)

MULING masolo ang ikalawang puwesto at mapalakas ang tsansang mahablot ang twice-to-beat advantage ang hangad ng Rain or Shine Elasto Painters sa pagsagupa nito sa Meralco Bolts sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Una munang maghaharap ang Meralco at Rain or Shine ganap na alas-4:15 ng hapon bago sundan ng inaasahang magiging maigting na salpukan ng Barangay Ginebra Gin Kings at Blackwater Elite sa ganap na alas-7 ng gabi.

Importante ang panalo sa Elasto Painters na magtutulak dito para maiangat ang kasalukuyang
5-3 kartada para lumapit sa pagsungkit ng ikalawang silya sa quarterfinals na may twice-to-beat advantage sa pagsagupa sa napatalsik ng Bolts na mayroong 2-7 record.

Pilit naman iiwas sa eliminasyon ang Barangay Ginebra ngayong gabi sa paghahangad na makatuntong sa quarterfinals sa pagsagupa nito sa Blackwater.

Kapwa importante ang panalo sa pagitan ng nasa tatlong koponang pagtatabla sa ikapitong puwesto na Gin Kings sa bitbit nitong 4-4 record at ang nasa three-way tie para sa ikaapat na puwesto na Elite na may 5-4 kartada na nakatuon sa paghablot ng silya sa quarterfinals.

“Big weekend for us playing teams ahead of us in the standings,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone, na sunod na makakasagupa ng koponan ang Phoenix Petroleum Fuel Masters (5-4) sa Linggo.

“Blackwater is legit and playing great basketball. They are certainly a playoff team. They have real good younf players, and we’re going to play smart and tough basketball to beat them,” sabi pa ni Cone.

Nakatutok naman ang Blackwater na masamahan ang San Miguel Beer at Rain or Shine sa pagnanais nitong masilat ang defending Governors’ Cup champion na Barangay Ginebra.

“We will be going all out for a win tomorrow versus Ginebra. A win tomorrow will put us in a good spot going into the playoffs,” sabi lamang ni Elite coach Leo Isaac, matapos maitala ang 103-100 upset win sa Alaska Aces noong Linggo.

Kabado rin si Elasto Painters coach Caloy Garcia sa pagsagupa sa Bolts sa pagnanais nitong makabawi sa 101-107 na kabiguan sa Beermen dahil sa pagnanais ng Meralco na magtala ng upset at tapusin ang anim na sunod na larong kabiguan bago magpaalam sa torneo.

“A test of character for our team coming off a loss that we could have won. Meralco is no pushover. They may be in the bottom but they always play hard. Its hard to play against a team with nothing to lose,” sabi ni Garcia.

Read more...