Laging Sawi sa pag-ibig | Bandera

Laging Sawi sa pag-ibig

Madam Sophia - January 20, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Roselle ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Dear Sir Greenfield,

Bakit kaya ako malas sa pag-ibi at hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang love life ko. Sa edad ko kasing 24 ay ang dami-dami ko ng karanasan sa ibat-ibang lalaki. First year high school pa lang ako ay may mga manliligaw na ako at naging boyfriend. At ang first boyfriend ko rin ang unang nakagalaw sa akin, pero ng third year na kami lumipat siya ng ibang school kaya hindi na kami nagkita at nagkaboyfriend na uli ako ng iba at nagalaw din ako pero tulad ng una ay hindi rin kami nagkatuluyan. Hanggang sa ibahay ako ng isang mayamang lalaki kaya hindi na ako nakapagpatuloy sa college. Huli na ng matuklasan kong may asawa na siya kaya nakipaghiwalay ako. Pagkatapos, mga limang lalaki pa ang dumating sa buhay ko na hindi ko rin nakatuluyan. Sa ngayon parang naiisip kong maruming babae na ako at wala ng lalaking magkaka-gusto pa sa akin. Sa palagay nyo makapag-aasawa pa kaya ako at makakatagpo ng isang mabait na lalaking mamahalin ako habang buhay kahit na marami na akong naging karansa sa lalaki. October 10, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Roselle Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang magulo at may bilog ang Heart Line (Illustration 2-2 arrow 2.), kaya naging magulo din ang buhay pag-ibig mo. Ngunit gumanda din ang nasabing Heart Line (arrow 3.) sa gitna at dulong bahagi nito at may maganda ka ring Marriage Line (arrow 1.). Ibig sabihin sa kalagitaan ng iyong edad, hindi imposibleng magkaroon ka pa rin ng masaya at pang habang buhay na love life.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Clubs at Seven of Harts ang lumabas (arrow 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng mapapait na karanasan sa pag-ibig sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong 25 pataas magbabago na ang iyong kapalaran, puro ligaya at sarap na ang mararanasan sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending