Bryan Termulo binalikan ang ‘nakaraan’ nila ni Liza: Sobrang ganda niya talaga!
BUKAMBIBIG talaga ng halos lahat ng male celebrities ang pangalan ni Liza Soberano every time they were asked kung sino ang type nilang female star.
Gaya na lang ng gwapong singer na si Bryan Termulo noong tanungin namin sa launch niya as the new brand ambassador ng Megasoft Hygienic products.
Hindi raw akalain ni Bryan na sobrang gaganda si Liza ng ganyan when he first met her sa opisina ng Star Magic. Si Bryan ang unang naka-partner ni Liza when she auditioned sa Star Magic. Magkasabay sila noon at nagkatsikahan habang naghihintay sa kanilang turn para ma-VTR.
Tinanong ulit namin si Bryan kung bakit hindi niya niligawan si Liza noon, say niya, neneng-nene pa si Liza at gusto rin niyang mag-focus sa kanyang career that time.
True enough, naging busy si Bryan sa kanyang career sa ABS-CBN. Nagkaroon siya ng mga teleserye at kumanta rin ng theme songs ng mga Kapamilya soap kaya tinawag siyang Prince of Teleserye Theme Songs. That time, nasa second year college si Bryan sa Trinity College taking up Mass Communication.
Sa ngayon, abala siya bilang co-host sa ABS-CBN News and Public Affairs TV program na Salamat Dok.
Sobrang appreciated ng binata ang ilang minutong binigay sa kanya ng Salamat Dok sa solo segment niya sa show. Hindi raw lahat ng artista ay nagkakaroon ng ganu’ng moment sa TV.
Thankful naman si Bryan na officially ay kabilang na siya sa Megasoft Hygienic Products family headed by Ms. Aileen Choi-Go. Dati kasi ay kinukuha siya as one of the singers na nagpe-perform kapag may tour ang Megasoft sa mga eskwelahan sa iba’t ibang probinsya.
Kinuha siya ng Megasoft as one of the ambassadors dahil good example siya sa mga kabataan na inuna at sinakap makapagtapos ng pag-aaral. Kumbaga, he can walk the talk na sinasabi at tinuturo niya sa mga estudyante sa mga school-outreach tour.
“Bryan is an excellent perfomer and has shown commitment to Megasoft’s ‘School is cool’ advocacy not to mention his passion for education,” pahayag ni Ms. Aileen.
Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Communication, at dean’s lister siya sa huling dalawang taon ng pag-aaral niya. Nakumpleto rin niya ang units para sa kanyang supplementary Education course.
Pinag-iisipan naman ni Bryan kung magti-take siya ng board exam at ipagpapatuloy pa niya ang natapos niyang Education course sa pagtuturo.
Bukod sa bagong endorsement, under new talent management na rin si Bryan. He is being co-managed ng bagong kompanya ng King of Talk Boy Abunda, ang Asian Artist Agency, Inc., at ng BBWB Records and Music Prodcution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.