Nalunod ang retiradong heneral ng Marines habang nagsi-swimming sa bahagi ng dagat na sakop ng Batangas City Miyerkules, ayon sa pulisya.
Nasawi si Cesario Atienza, residente ng Brgy. Alangilan, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga, habang nagsi-swimming ang 61-anyos na retiradong heneral sa bahagi ng Batangas Bay na nasa Sitio Ilaya, Brgy. Sta. Clara.
Dinala pa si Atienza sa Golden Gate General Hospital, ngunit idineklarang patay ng doktor, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES