Ara nagselos daw nang sunduin ni Jomari si Jean sa taping ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa

ara mina jomari yllana at jean garcia

MEANWHILE, inaayos na raw ang problema ni Ara Mina sa GMA 7 na naglitanya ng kanyang sama ng loob sa production ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa through social media.

Ito’y may kaugnayan sa diumano’y “disrespect” sa kanyang kakayahan at pagiging artista. May mahalagang papel si Ara sa PKLSL, siya ang makakalaban ng karakter ni Jean Garcia sa serye.

Balitang hindi pa bumabalik uli para mag-taping si Ara, pero bukas na raw ito uli para sa usapang-work.

Maugong din ang naging biruan na hindi raw kaya nagselos si Ara nang mabalitaan nitong dinalaw at sinundo sa taping ng dati niyang dyowa na si Jomari Yllana si Jean? Nauugnay kasi ang dalawa ngayon at tila may bahid ng katotohanan ang mga tsismis about them.

Read more...