Ria Atayde: Promise, wala po akong gusto kay Zanjoe!

ria atayde and zanjoe marudo

BAGAMA’T hindi bida si Ria Atayde sa seryeng My Deart Heart ay tuwang-tuwa na siya dahil finally makakatrabaho na niya si Zanjoe Marudo.

Noon pa kasi gusto ni Ria si Zanjoe na makasama sa serye, di ba nga bossing Ervin sinulat ko dito na nag-audition pa siya noon sa Dream Dad pero hindi siya pumasa dahil sa look-test ay para silang magkapatid ng aktor. Napunta ang role kay Beauty Gonzales.

Tinukso namin ang dalaga ni Sylvia Sanchez na baka naman type niya si Zanjoe? “Ha-hahaha! Ano ka ba tita Reggee, tropa kami ni Z kasama si Enchong (Dee) kaya walang ganu’n. Saka I admire his work ethics, his skills and his personality.

“He’s a great guy, ganda ng background and very family-oriented, okay ka-trabaho, very professional and self-made,” paliwanag ni Ria.

Halos lahat ng mga nakasama ni Zanjoe sa trabaho ay iisa ang sinasabi tungkol sa kanya kaya siguro maraming may gusto siyang maka-work at maganda iyon para sa binata dahil maski na sikat na ay wala siyang ere.

Balik tanong nga namin kay Ria kung bakit nauso pa ang tropa-tropa para walang isyu kapag nagkagustuhan? “Hala! Wala akong gusto tita, magkakaibigan kami at kumportable lang ako sa kanila ni Enchong. Alam mo naman ako, kapag hindi ako kumportable sa mga kasama ko, hindi ako nagtatagal,” aniya.

Bukod kay Zanjoe ay hangang-hanga rin si Ria kay Ms. Coney Reyes kaya naman kabado siya nu’ng magkaroon sila ng eksenang dalawa. Mapapanood na ang My Deart Heart sa Lunes, Enero 23 sa ABS-CBN.

Read more...