Aktres inaatake ng kamalasan, lahat ng proyekto flop

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MUKHANG pahinga muna sa pelikula ang isang kilalang aktres dahil halos lahat ng pelikulang kasama siya ay hindi kumita.

May nagtanong sa amin ng, “Jinx ba siya? I-review mo, lahat ng pelikulang kasama siya, waley! Pati sa teleserye, waley din. Marunong naman umarte, bakit kaya inaalat?”

Baka naman hindi lang maganda ‘yung papel na napupunta sa aktres kaya hindi siya nagsa-shine.

“Anong hindi? ‘Yung teleserye niya dati, ang ganda, all out support lahat, pero hindi pa rin humatak nang husto sa ratings game. May something talaga siya na ayaw ng tao,” katwiran naman ng kausap naming TV executive.

Sabagay, may kakilala rin kami na aktres na multi-talented din, pero hindi siya rater at hindi rin kumikita ang pelikula. Mahirap din minsan kung ano talaga ang gusto ng TV viewers at moviegoers.

May pahabol pa ang aming kausap tungkol sa aktres, “Ang dami pa niyang bashers, alam mo naman ang tao, ayaw ng may mga kaaway o pala-patol.”

Read more...