Wala na nga bang forever para kina James at Nadine sa TIMY?

james reid at nadine lustre

MAUUWI na lang ba sa wala ang pag-ibig na ipinangako ang walang hanggan?

Ito ang dapat abangan ng mga #TIMYllennials at JaDine fans ngayong unti-unti nang nasisira ang pagsasama ng mag-asawang Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid) sa huling linggo ng ABS-CBN primetime series na Till I Met You.

Naging matinding issue sa relasyon ng dalawa ang video kung saan mukhang naghahalikan ang kanyang asawa at ang mentor nitong si Madison (Loren Burgos). Ngunit ang hindi alam ni Iris, frame-up lamang ito ni Val (Angel Aquino) upang paghiwalayin sila at pabalikin sina Basti at Nestor (Zoren Legaspi) sa Greece.

Sa kabila naman ng mga kasinungalingan nina Val at Madison, ipaglalaban ni Basti ang kanyang pagmamahal at hindi susukong maibalik ang tiwala ng kanyang asawa.

Ano na nga kayang kapalaran ang naghihintay kina Iris at Basti? Maisakatuparan pa kaya nina Val at Madison ang kanilang mga plano? Manaig pa rin kaya ang pagmamahalan ng mag-asawa?

Dahil nga sa mga eksena nitong kinapupulutan ng aral, tinutukan sa mga kabahayan at naging consistent trending topic sa Twitter at umani ng ilang milyong tweets. Dagdag pa sa magandang kuwento ng serye ay ang mga hindi malilimutang eksena nito sa Greece, kung saan ipinakita ang ilang sa mga pinakamagaganda at makasaysayang tourist spots sa bansa.

Samantala, isang karangalan naman ang natanggap ng bida ng serye na si Nadine matapos itong hirangin bilang Most Beautiful Woman in the Philippines 2016 ng entertainment site na Starmometer.com. Nakakuha siya ng halos 9 milyong boto mula sa Facebook, Twitter, Instagram, at online ballots sa naturang site.

Sa direksyon nina Antonette Jadaone at Andoy Ranay, kasama rin sa Till I Met You sina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Pokwang, Kim Molina at Robert Seña. Napapanood pa rin ang TIMY after A Love to Last sa ABS-CBN.

Read more...