NAHE-HURT ang Kapamilya child star na si Awra Briguela kapag nilalait si Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina. Siyempre, ipinagdarasal daw niya na manalo si Maxine sa grand coronation night ng Miss Universe.
Sabi ni Awra, talagang kinakarir niya ang pagbabasa ng updates tungkol kay Maxine, “Super interesado po. Siyempre kay Maxine, Philippines eh. Pilipinas ang sa atin. Sa ibang bansa pa ba tayo eh nandito na ‘yung Philippines? Dito na tayo!”
“At siyempre po, nasasaktan po ako (kapag nilalait ang Pinay bet), kasi Pilipino po si Maxine, Pilipino po tayong lahat. Dapat suportahan natin ang kandidata nating lahat sa Pilipinas. Bakit kailangan pang-i-bash?”
Paglalarawan pa niya kay Maxine, “She’s brainy, matalino, magaling mag-walk!”
At kung mabibigyan daw siya ng chance, gusto niyang manood ng live sa finals night ng Miss u, “Super gusto kong manood, gusto ko ‘yung mahawakan ko sila, gusto ko ako ang magpapasa ng korona, echos!”
Napapanood pa rin si Awra gabi-gabi sa Primetime Bida series na FPJ’s Ang Probinsiyano at every weekend sa Your Face Sounds Familiar Kids bilang isa sa mga celebrity contestants.