Makapag-aasawa ba ng Hapon?

Sulat mula kay Abigail Tikay, Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay 21 years old na sa March 10. Sa kahirapan ng buhay ay nangangarap akong makapag-abroad. May tiyahin po ako na nagtatrabaho sa Japan at may asawang Hapon. Binigyan po niya ako ng kaibigang Hapon na chatmate at phonepal ko na ngayon. Naisipan ko pong sumangguni sa iyon upang itanong kung compatible po ba kami ng kaibigan kong Hapon at kami na po ba ang magkakatuluyan. May tsansa po ba akong makapag-Japan at doon na makapanirahan? At kapag nasa Japan na ako, magiging maayos at masagana ba ang buhay ko doon? March 5, 1996 ang birthday ko at July 17, 1976 naman ang birthday ng kaibigan kong hapon.

Umaasa,
Abigail Malolos City, Bulacan

Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Malinaw at malawak ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa pangingibang-bansa nakalaan sa iyo ang isang positibo at magandang kapalaran. Ibig sabihin, magiging maayos at maganda ang kalagayan mo sa Japan kung sakaling magiging asawa mo na ang kaibigan mong Hapon.

Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Hearts, at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng iyong tiyahin na kasalukuyan nang nasa Japan tiyak ang magaganap, hindi ka lang mararating doon kundi magkaroon ka ng isang maunlad at masaganang buhay doon.

Itutuloy

Read more...