Totoo ba, Matteo pinagbawalang makipaghalikan ni Sarah sa ex-GF?

matteo guidicelli at alexa godinez

NAPANOOD na namin ang pelikulang “Across the Crescent Moon” sa ginanap na special celebrity screening kamakalaw sa Gateway cinema.

Ito’y isang action-drama na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli, Joem Bascon and newcomer Alex Godinez na pamangkin ni Martin Nievera. Si Alex ay ex-girlfriend ni Matteo pero nananatili pa rin silang magkaibigan hanggang ngayon.

In fairness, maganda ang tema ng pelikula, maaksyon nga ito at punumpuno ng madadramang tagpo. Nagtagumpay ang producer, writer at direktor ng “Across the Crescent Moon” na si Baby Nebrida sa objective niyang iparating sa sambayanang Pilipino ang lumalalang problema ng bansa sa human trafficking.

Bukod dito, siguradong kukurutin ang inyong mga puso sa wagas na pagmamahalan ng mga karakter nina Matteo (Muslim soldier) at Alex (Katoliko), talagang ipinaglaban nila ang kanilang relasyon sa kanilang mga pamilya. Ipinakita rin dito kung paanong nagtulungan ang mga Katoliko at Muslim para dinggin ng Diyos ang kanilang panalangin upang mailigtas ang kanilang mga kapamilya na nabiktima ng kidnapping.

Samantala, sa nakaraang presscon ng pelikula, inamin ni Matteo na lahat ng eksenang ipinagawa sa kanya ng kanilang direktor, “I said yes to everything except sa one scene, yung love scene.

“It was done in a different way, so implemented love scene, so we didn’t have to do the love scene (physically) kumbaga. We still did it, but not the physical love scene,” aniya pa.

Totoo bang pinagbawalan siya ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo na makipag-love scene at makipaghalikan sa kanyang leading lady sa pelikula?

“Hindi naman sa hindi puwede. Hindi naman sa bawal. Siyempre, I also respect my girlfriend, but it’s a thin line being professional whatsoever. But, anyway, this is my belief and I respect my girlfriend, and I thought you could do the love scene without doing the physical love scene.

“It could be done in a different way. It was okay. It turned out well,” paliwanag pa ng aktor.

Ipinaalam din daw niya kay Sarah ang tungkol sa pelikula nila ng kanyang ex-GF, “I told her in the beginning na there’s this leading lady and she was my ex. So, she’s okay with it So, okay naman.”

Makakasama rin sa “Across The Crescent Moon” sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Joem Bascon, Ivan Carapiet at Jerico Estregan. Showing na ito sa Jan. 25 sa mga sinehan.

Read more...