Miss Universe swimsuit presentation inilipat sa indoors dahil sa sama ng panahon

miss universe 2016

LAPU-LAPU CITY, Cebu—DAHIL sa madilim na kalangitan at pabugsu-bugsong ulan, nagdesisyon ang pamunuan ng Miss Universe na gawin na lamang indoors ang swimwear presentation.

Sinabi ni Ren Orao, marketing executive ng JPark Island Resort and Waterpark Cebu na mula sa orihinal na Abalone garden, inilipat nila sa Triton Ballroom ang swimsuit presentation para magkasya ang 600 na tao.

Itinakda ang swimwear presentation ganap na alas-11 ng umaga kahapon. Nauna nang naglagay ng dalawang entablado sa Abalone Garden na magsisilbi sanang runway para sa 87 kandidato.

Nagsimula ang pag-ulan sa Cebu noon pang Lunes, dahilan para mapilitan ang mga nag-oorganisa na ipatupad ang “Plan B,” sa Triton Ballroom. Dumating ang mga kandidata ng Miss Universe sakay ng mga bus.

Read more...