Dalawang kongresista ang kabilang sa listahan ng ‘validated’ illegal drug protector na ibinigay ni Pangulong Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Pero tumanggi ni Alvarez na pangalanan kung sino ang mga ito. Isa umano sa kanila ay taga-Mindanao.
“Yung listahan na binigay validated, maraming ahensiya ang pinanggalingan. On my part, dinodouble check ko pa lang,” ani Alvarez. “I have not talked to them. Pinagiisipan ko pa.”
Sinabi naman ni Alvarez na nagtanong-tanong siya tungkol sa isang solon na taga-Mindanao at nakakuha siya ng dagdag na kumpirmasyon mula sa kanilang mga sariling kaibigan na sangkot ito sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Inamin naman ng lider ng Kamara na hindi maaaring gamiting basehan ang pagkakasama sa pangalan ng dalawa sa listahan upang sila ay maalis sa puwesto.
Wala namang konkretong plano si Alvarez laban sa dalawa.
Naniniwala naman si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na dapat tuluyin kung sinong kongresista ang tinutukoy ni Alvarez.
“Hindi namin kukunsintihin ang isang kasapi ng party list coalition kung mapatunayan na siya nga ay protektor ng droga.Dapat pangalananan na ni Speaker kung sino ang mga ito para mabigyan ng pagkakataon na magpaluwanag bilang bahagi ng due process. Kasuhan na sa korte at dito na rin sa Committee on Ethics,” ani Abtocabe.
Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na dapat i-triple check kung totoo ang alegasyon bago isapubliko.
“Dapat medyo ingatan at i-triple check ang info dahil baka may halong pulitika ang pagsasangkot sa mayor sa illegal drugs. Politiko ang mga iyan at usong-uso ang siraan,” ani Barbers.
Nauna rito, inamin ni Negros Oriental Rep Arnulfo Teves Jr. na dati siyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
2 kongresista nasa narco list
READ NEXT
Media bawal sa opisyal na iskedyul ni Duterte sa N. Ecija matapos ang kontrobersiyal na banta ng Martial Law
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...