Kris wala pa ring show sa Kapuso network; Regine bibida sa Mulawin versus Ravena

kris aquino at regine velasquez

IBINALITA rin ng mga ehekutibo ng Kapuso network ang pagbabalik ng mga taong-ibon sa Mulawin Versus Ravena. Mas malaki, mas pasabog at mas bonggang produksyon daw ang hatid ng nasabing fantaserye para sa mga manonood.

Bilang bahagi pa rin ng GMA Network’s Lipad 2017, ang Mulawin Versus Ravena ay pagbibidahan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida sa isang fantasy series ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Ang iba pang members ng cast nito ay ang tambalan nina Miguel Tanfelix nat Bianca Umali, Derrick Monasterio at Bea Binene, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Winwyn Marquez, Kiko Estrada at Roi Vinzon. Ito’y sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez.

Speaking of Regine, magiging super busy ang Songbird this year, dahil bukod sa fantaseryeng ito, magsisimula na rin next month ang weekly comedy-mucisal show na Full House Tonight kung saan makakasama niya ang magagaling na Kapuso stars and comedians. Mapapanood na ito simula sa Feb. 18.

Full House Tonight showcases the sultry Solenn Heussaff, teen idols Miguel Tanfelix and Bianca Umali, at ang mga pambatong komedyante ng GMA na sina Philip Lazaro, Nar Cabico, Tammy Brown, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, at Kim Idol.

q q q

Hindi totoo ang naglabasang balita na banned na rin daw ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa GMA 7. Ito ang nilinaw ng mga executive ng GMA kahapon sa harap ng mga entertainment editors sa ipinatawag nilang presscon para sa announcement ng kanilang mga bagong shows ngayong 2017.

May mga tsismis kasi na may humarang daw sa dapat sanay TV show ni Kris sa Kapuso network kaya hindi na ito natuloy. Sa pagkakaalam ni Ms. Lilybeth, wala naman talagang nakarating sa kanila tungkol sa napabalitang show ni Kris sa GMA.

“It’s not true na she’s not welcome here. Never did we talk about it. Walang nangyaring pag-uusap tungkol diyan. So ngayon, wala pa talaga, hindi pa namin alam kung magkakaroon siya ng show sa GMA, as we all know, iba naman ang humahawak sa career niya,” paliwanag ng GMA executive.

Bukas, ise-share namin sa inyo ang iba pang mga pasabog ng Kapuso Network ngayong Year of the Rooster, kabilang na diyan ang plano nila kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at sa mga bagong Asianovela na dapat n’tong abangan sa Heart Of Asia ng GMA.

Read more...