Signal ng cellphone tatanggalin sa ilang bahagi ng Lapu-Lapu para sa Miss U

LAS VEGAS, NV - DECEMBER 20: Miss Philippines 2015, Pia Alonzo Wurtzbach (C), who was mistakenly named as First Runner-up reacts with other contestants after being named the 2015 Miss Universe during the 2015 Miss Universe Pageant at The Axis at Planet Hollywood Resort & Casino on December 20, 2015 in Las Vegas, Nevada.   Ethan Miller/Getty Images/AFP

MAWAWALAN ng signal ang mga cellphone sa ilang bahagi ng Lapu-Lapu City sa Mactan Island, Cebu bukas at sa Miyerkules para sa Miss Universe swimwear competition.

Inaprubahan ng National Telecommunications Commission ang kahilingan ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) na patayin muna ang signal sa Lapu-Lapu sa loob ng ilang oras mula Enero 17  at Enero 18.

“The same security arrangements we used during the Sinulog will be used for the Ms Universe event,” sabi ni Chief Supt. Noli Taliño, PRO-7 director.

Idinagdag ni Taliño na sisimulan na tanggalin ang signal sa Lapu-Lapu City ganap na alas-4 ng umaga hanggang sa matapos ang pagtatanghal ng Miss Universe.

Read more...