Angeline sa ex-BF: Minahal ko pa rin siya kahit alam kong may iba na!

angeline quinto

BAKIT hindi nila gayahin ang pagiging kikay, palaban and yet very devoted Christian ni Angeline Quinto?

Imagine, apat na taon na pala siyang sumasampa sa karo ng Poong Nazareno pero nitong 2017 lang talaga siya napansin?

Walang takot, walang alinlangan, never naka-feel na na-exploit o pinagsamantalahan si Angge considering na milyon-milyong tao na majority ay mga barako ang nakisai sa Traslacion ng Poong Nazareno.

Parte raw yun ng kanilang debosyon sa Poon. Bata pa lang siya ay nakagawian na nilang gawin yun ng kanyang Mama Bob, ang lolang nagpalaki sa kanya. Pero dahil medyo nagkaedad na ito sa ngayon, siya na itong nagtutuloy ng panata.

Nope, wala siyang hinihiling na kung ano mula sa Black Nazarene kundi ang magkaroon lang ng sustainability o continuity ang mga blessings na meron na sila like sariling bahay, good family life, health, at kung anu-ano pa.

Hindi naman matatawag na something foolish ang ganu’ng gawain dahil naka-base yun sa faith and religion, noh.

Pero sa pinagbibidahan niyang “Foolish Heart” under Regal Entertainment, may mga eksena raw sa movie na hindi niya akalaing magagawa niya like yung torrid kissing scene nila ng kanyang leading man na si Jake Cuenca.

Kasama rin nila sa movie ang real life lovers na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida na showing on Jan. 25.

q q q

At dahil nabaitan ang lahat kay Angeline Quinto, wala nang nang-intriga kung si Coco Martin ba ang tinutukoy niyang “kinabaliwan” niyang lalaki na akala niya’y boyfriend na niya, pero hindi naman pala.

“Nasubukan ko hong magmahal nang mahigit isang taon. Alam kong masaya na siya sa iba, kahit parati kong nakikita na may partner na siyang bago. Minahal ko pa rin siya nang one year mahigit, hindi ko na pinaabot ng two years. Bumigay na rin po ako bago mag-dalawang taon, ayoko na, okey na yun,” sabi ni Angge.

Hindi na rin siya kinulit pa ng marami kung bakit sinabi niyang wala pa siyang experience sa mga torrid kissing at umasa lang siya sa “pagbinyag” sa kanya ni Jake sa pelikula.

Kasi raw, kung totoo ngang naging sila rin ni Erik Santos, ang ibig daw bang sabihin, eh hindi man lang sila naghalikan dati?

Anyway, kuwela naman at mabait kausap si Angge kaya sige pinalipas na lang yun ng mga kapatid sa panulat! Ha-hahahaha!

Read more...