BAGO natapos ang taon, pinatunayan ng phenomenal star na si Maine Mendoza ang pagiging TV Commercial Queen dahil sa dami at sunud-sunod na TV ads na ginawa niya last year.
And this year, asahan na mas darami pa ang endorsement ng dalaga lalo na kapag nagsimula na ang teleserye nila ni Alden Richards, ang Destined To Be Yours sa GMA Telebabad.
And last year din, Maine shared the good news that one of the brands she’s endorsing, ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, is now the country’s top-selling tocino. Dahil diyan, Maine and CDO Funtastyk would like to celebrate with you through a Funtastyk Feast.
Imagine going on a date with Maine Mendoza? Well, bibigyan kayo ng chance ng CDO na makasama sa isang bonggang date kasama si Maine, at ‘yan ay sa pamamagitan ng “Dare to Be Funtastyk”. Ang kailangan n’yo lang gawin ay i-try ang exciting #FuntastykDares na ipagagawa ng Eat Bulaga Dabarkads.
Simula ngayong Lunes, Maine will announce a dare on the CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page. One dare will be released per day for 20 days. Fans have to capture themselves doing a dare through a photo or video then submit it via Facebook chat. Ang mga lalahok ay magkakaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng Funtastyk Feast kasama si Maine sa Feb. 28, 2017.
“Excited ako kasi I will get to meet CDO Funtastyk Young Pork Tocino lovers. It’s also my chance to spend time with them! Kaya thankful ako na nagtiwala ang mga tao sa akin as much as CDO. Happy ako na naging part ako ng success nila,” ani Maine.
Para sa lahat ng interesadong mag-join sa #Funtastyk Dares contest just visit www.daretobefuntastyk.com and CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page.