HINDI pa rin naniniwala si Epi Quizon sa paranormal kahit nakaranas siya ng parang may tumutusok sa kanyang likod. Pumunta siya sa isang Chinese doctor upang magpa-acupuncture ng ilang sessions.
Nagpatingin din siya sa therapist, chiropractor. Dinaan niya sa lahat ng specialist pero walang nakagamot.
“Pero nagpunta ako kay Ka Sendong, ten minutes, nilawayan lang ako sa ulo. Nawala! Ha! Ha! Ha! pag-uwi ko, nawala na ‘yung sakit,” bahagi ni Epi sa grand presscon ng kinabibilangang horror movie an “Ilawod.”
“I don’t know. Do I believe? I still don’t,” dagdag ng character actor.
Si Xyriel Manabat, tanda pa ang pangalan ng isang babaeng nakita niya, si Jennifer, “Kinakausap ko siya pag umaalis kami ng bahay. Pinababantay ko ang bahay namin. ‘Yan lang ang natatandaan ko.
Sa panig ni Ian Veneracion, interesado siya pagdating sa paranormal. Naging matalik na kaibigan niya ang yumaong si Roy Alvarez, at kumuha ng kurso kay Jaime Licauco, na isang paranormal expert.
“‘Yung researches sa iba’t ibang healers, I’ve always been interested. Hindi ko masasabi na naniniwala ako o hindi definitely. May be I’m keeping it open because it recharges my imagination,” saad ni Ian.
Open-minded din si Iza Calzado sa ganitong bagay. “Parang may something there na unexplainable. I always pray to God. I’m Christian, I’m Catholic. I’m a believer in God.
“One thing lang to add to what happened to Epi, I also believed that words have power. So perhaps hindi man intention na tawagin ng tao kung anumang elemental na ‘yon, but with your negative thoughts and energy, you can pass on something painful as a backpain kapag nagalit ka.
“‘Yun lang ang sa akin. Kapag nagalit ka, be careful what you wish for. Be careful what you say kasi words have weight, have power. O even thoughts for that matter but especially for spoken words. ‘Yung galit na galit ka. Words have power, that I believe,” paliwanag ni Iza.
Sa panig ni Harvey Bautista, wala pa siyang nararanasan na paranormal. Si Therese Malvar naman, open din kung merong paranormal o spirit na umiikot sa mundo.
Tungkol sa kuwento ng possession ang “Ilawod” at gamit ang elemento ng tubig sa unang subok ng rom-com director na si Dan Villegas sa horror-genre.