Para sa may kaarawan ngayon: Palamig ng palamig ang panahon, pero patuloy naman ang pag-init ng relasyon sa isang Virgo. Sa pinansyal, habang maikli ang kumot matutong mamaluktot. Sa panahon ngayon hindi dapat na maging magastos. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2017 upang mas madaling umunlad isagawa na agad ang malawakang pagiipon at pagtitipid. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2017 ipriority ang pagpapaganda at kalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa pag ibig sa malusog na pangangatawan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kahit malamig ang panahon, hindi dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, kung hindi man kayo magkita ng personal itext lagi ang minamahal. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Masosolusyunan ang problema kung lalapit sa kaibigang Capricorn. Sa pinansiyal, isang Capricorn din ang mauutangan! Sa pag-ibig, bagamat okey ang isang Capricorn, mas higit kang kikiligin sa isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag maging mapaglaro sa pag-ibig upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagdudulot ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om”. Gray at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2017 laging maging tapat sa kausap upang mas kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagtiygaan ang kasuyong maangas. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om!” Yellow at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ng 2017 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang makakaharap. Sa pag-ibig, wag agad papatol sa isang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Magiging maunlad ang taong ito ng 2017 kung papalitan na ang lumang kurtina o pintura ng dingding sa inyong bahay. Apple green at iba pang shade of green ang magdadala ng buenas sa pananalapi at sa masarap na karanasan sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mahirap mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para umunlad ang buhay. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansang matitikman. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2017 umpisahan mo ng palaguin ang kabuhayan at lalo mo pang sipagan ang mga gawaing pinagkakaperahan. Sa pag-ibig, kapag ganitong malamig ang panahon, mas makabubuting ipaghanda ng mainit na sabaw ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kalimutan na ang nakaraan bagong career at bagong ka-relasyon ang dapat. Sa ganyang paraan, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay ngayong taong ito ng 2017. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon palang iplano na ang Valentine. Ipriority ang mga lugar na malapit na sa nature at duon kayo mag-date. Sa pinansyal, ang pagtitipid parin ang mabisang pormula upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at black ang buenas.