Sidekick ni Andrea sa ‘Robin Hood’ may ‘experience’ sa MRT

andrea torres at antonette garcia

MAGANDA ang naidulot sa character actress na si Antonette Garcia ng kanyang karakter bilang si Frida, ang babaeng laging kasama ni Venus (Andrea Torres) sa hit primetime series ng GMA na Alyas Robin Hood.

Mas nakilala at kinagiliwan kasi siya ng loyal viewers ng top-rating series ng Kapuso Network. Bilang patunay, isang fan pa nga raw ang nagbigay sa kanya ng sulat habang nakasakay siya sa public transport na MRT.

Sa kanyang Instagram account, ikinuwento ng aktres na: “Habang nakapikit ako na bumibiyahe sa MRT, biglang may nag-abot sa akin ng sulat. Noong una akala ko nagbebenta o humihingi ng donation. Pero nu’ng binuksan ko yun papel nagulat ako at napangiti.

“Hinanap ko yun nag-abot dahil kamay lang niya ang nakita ko. Bukod sa nakapikit ako medyo madaming pasahero. Pagkalipas ng ilang minuto nabawasan na ng pasahero at nakita ko siya na halos katapat ko. Nakatingin at nakangiti sa akin.

“Nagpasalamat ako kay Ate. Nakakatuwa dahil nagtiyaga si Ate na magsulat at makipagsiksikan para lang maibigay sa akin ang sulat niya. Maraming Salamat Ate!”

In fairness naman kay Antonette, talagang patok na patok sa manonood ang karakter niya bilang sidekick ni Andrea sa ARH. Kahit na nga dramang-drama ang eksena ay nagagawa pa rin niya itong katawa-tawa.

Read more...